Phivolcs nakapagtala ng pagtaas ng aktibidad sa Mt. Bulusan

Phivolcs nakapagtala ng pagtaas ng aktibidad sa Mt. Bulusan

Nakapagtala ang Phivolcs ng pagtaas ng aktibidad sa Bulusan Volcano.

Sa nakalipas na 30 na oras sinabi ng Phivolcs na mayroong naitalang 20 volcanic earthquakes sa bulkan.

May pamamaga din sa upper slopes ng bulkan na nagsimulang makita noong March 6.

Ayon sa Phivolcs ang seismic activity at short-term ground deformation sa bulkan ay maaring dahil sa shallow hydrothermal processes dito.

Nananatili namang nasa Alert Level 0 (Normal) ang Bulusan Volcano.

Pero ayon sa Phivolcs, maari itong itaas sa sandaling magpatuloy ang mga aktibidad sa bulkan.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *