Fishing Boat lulan ang alkalde at kongresista mula Eastern Samar nagkaproblema sa karagatang sakop ng Guiuan

Fishing Boat lulan ang alkalde at kongresista mula Eastern Samar nagkaproblema sa karagatang sakop ng Guiuan

Nagkaproblema ang sinasakyang bangka ng 16 na VIPs kabilang ang isang alkalde at isang kongresista habang naglalayag sa karagatan ng Guiuan, Eastern Samar.

Ayon sa Philippine Coast Guard, nakatanggap sila ng distressed call mula sa F/B BENCOR, Miyerkules (March 17) ng umaga nang makaranas ito ng engine problem.

Ang 16 na VIPs at 5 Coast Guard personnel na lulan ng F/B BENCOR ay patungo dapat sa Homohon Island.

Ayon sa Coast Guard, kabilang sa mga sakay ng bangka ay sina Borongan City Mayor Jose Ivan Dayan C. Agda at Eastern Samar Representative Maria Fe Abunda.

Agad nakapagpadala ng rubber boats at rescue team ang mga tauhan ng Coast Guard District Eastern Visayas.

Dumating din ang MRRV “BRP Suluan” para ihatid ang mga VIP sa unveiling ceremony na kanilang pupuntahan sa Homohon Island.

Nagpasalamat naman ang dalawang opisyal kay PCG Commandant Admiral George V Ursabia Jr, sa mabilis napagtugon ng mga tauhan nito.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *