Manila RTC nakatanggap ng 63 aplikasyon para sa search warrant na isisilbi dapat sa CALABARZON

Manila RTC nakatanggap ng 63 aplikasyon para sa search warrant na isisilbi dapat sa CALABARZON

Mayroong 63 aplikasyon para sa search warrant na isisilbi sa iba’t ibang lugar sa CALABARZON ang natanggap umano ng Manila Regional Trial Court.

Ito ay base sa isinumiteng tugon ni Court Administrator Justice Jose Midas Marquez sa direktiba ni Chief justice Diosdado Peralta kaugnay ng search warrant na pinagbatayan ng pulisya sa madugong oeprasyon nito sa CALABARZON noong March 7 kung saan siyam na aktibista ang napatay.

Mula sa 63 aplikasyon, 42 lamang ang naaprubahan, 19 ang ibinasura habang 2 naman ang binawi.

Sa antipolo, 9 na aplikasyon ang inihain kung saan 4 ang inaprubahan, 4 din ang ibinasura at 1 ang nakabinbin.

Lumalabas umano na ang 42 search warrant na inisyu ng Manila RTC at ang 4 na inisyu sa Antipolo ang sabay-sabay na isinilbi noong March 7 na nagresulta sa madugong operasyon.

Ang kapangyarihan ng Manila at Quezon City RTC na magpalabas ng warrant na maaring ipatupad sa buong bansa ay salig sa kapangyarihang ibinigay ng Korte Suprema, bagay na nais ng ilang militanteng mambabatas at ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na i-review ng Korte Suprema.

Gayunman, ipinunto ni Marquez sa kanyang tugon na magkaibang bagay ang pag-iisyu ng search warrant at ang pagpapatupad nito ng mga law enforcer.

Ang issuance umano ng search warrant ay judicial in nature na maaring kwestyunin ng mga naagrabyadong partido. (by Cecil Villarosa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *