Total lockdown ipatutupad sa Munisipyo ng Montalban hanggang March 31
Simula araw ng Miyerkules, March 17 hanggang sa March 31 ay sasailalim sa total lockdown ang Municipal Hall, Main Building ng Montaban.
Ito ay para makapagsagawa ng decontamination sa pasilidad.
Sa bisa ng Executive Order, iniutos ni Mayor Tom Hernandez ang total lockdown sa munisipyo.
Batay kasi sa isinagawang workplace assessment ng IATF-MEID ng munisipalidad noong March 12, lumitaw na may pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Municipal Hall, Main Building Office.
Sakop ng 14 na araw na total lockdown ang lahat ng tanggapan sa first floor, second floor, at third floor ng Municipal Building, Main Office.
Tuloy naman ang serbisyo ng Municipal Security Office (MSO), Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), Municipal Transportation Management and Development Office (MTMDO), at Municipal Solid Waste Office (MSWO).
Gayunman, 50 percent lang ng kanilang mga tauhan ang papasukin sa trabaho.
Ang mga opisina sa labas ng Municipal Main Building ay tuloy din ang operasyon.
Isasailalim sa Mandatory Swab Testing ang lahat ng opisyal, empleyado at staff habang umiiral ang lockdown o bago sila makabalik sa trabaho.