15 nahuling lumabag sa pinaiiral na lockdown sa 6 na barangay sa Maynila
Sa nakalipas na magdamag umabot sa 15 ang bilang ng mga naarestong lumabag sa ipinatutupad na lockdown sa anim na mga barangay sa Maynila.
Batay ito sa update mula sa Manila Police District (MPD) hanggang alas 4:30 ng madaling araw ng Miyerkules (March 17).
Pinakamaraming naitalang lumabag sa magdamag ay sa Brgy. 374 na umabot sa 11.
Apat naman ang naitalang violators sa Barangay 185.
Habang walang naitalang lumabag sa Barangay 521, 628, 675 at 847.
Sa kabuuan, mayroong 170 tauhan ng MPD na itinalaga sa 6 na mga barangay na sakop ng lockdown, katuwang ang 82 opisyal ng mga barangay.