Fixed broadband internet sa bansa bumilis pa; Pilipinas umangat ng walong puntos sa global ranking
Umangat ng walong puntos sa global ranking ang fixed broadband average speed sa Pilipinas.
Batay ito sa pinakahuling Ookla Speedtest Global Index report.
Ito na ang pinakamataas na monthly improvement sa average speed ng internet sa Pilipinas mula nang maupo sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Ooakla, nakapagtala ngn 5.73Mbps increase mula sa dating 32.73Mbps noong January patungo sa 38.46Mbps noong Pebrero 2021.
Katumbas ito ng monthly increase na 17.51% at 386.22% increase sa download speed ng bans ana 7.91Mbps noong July 2016.
Tumaas din ang overall performance ng mobile network sa bansa at umangat ng tatlong puntos sa global ranking.
Nakapagtala ng average download speed na 26.24Mbps, o pagtaas na 252.68% mula sa 7.44Mbps noong July 2016.
Noong mga nagdaang buwan ay gumanda rin ang ranking ng Pilipinas sa mobile speeds partikular noong December 2020 kung saan umangat ng 14 na puntos at 10 puntos naman noong January 2021.
Sa 140 mga bansa, ang Philippine mobile speed ay nasa pang-86 na pwesto noong Enero, malaki ang itinaas kumpara sa pang-111 noong Enero 2020.
Nahigitan na rin ng Pilipinas sa ranking ang Russia, Malaysia at Indonesia.
Sa Asya, ang Pilipinas ay nasa pang-24 na pwesto pagdating sa internet speed sa fixed broadband at pang-25 pwesto sa mobile.
Habang sa Asia-Pacific, ang Pilipinas ay pang-18 para sa fixed broadband and at pang-14 sa mobile.
Nasa pang-anim na pwesto naman ang bansa para sa fixed broadband at mobile mula sa 10 ASEAN countries.
Ang pagbuti ng internet speed sa bansa ay kasunod ng direktiba ni Pangulong Duterte noong July 2020 na pabilisin ang proseso ng LGU permits para sa pagtatayo ng cellular towers.
Simula noon, Malaki ang itinaas ng naaaprubahang permits mula July 2020 hanggang February 2021.
Noong March 8, 2021, pormal na ring inilunsan ang DITO Telecommunity sa mga lugar sa Visayas at Mindanao.
Ang naturang third telco ay target na ring makapag-operate sa Metro Manila sa kalagitnaan ng taong kasalukuyan.
Inaasahan din ang pagbuti ng internet speed sa bansa dahil sa kumpetisyon bunsod ng pormal na operasyon ng DITO.