Mga nabiktima ng sunog sa Cordillera hinatiran ng tulong ng tanggapan ni Senator Bong Go
Tumanggap ng tulong mula kay Senator Christopher “Bong” Go ang mga panilyang naapektuhan ng magkakahiwalay na sunog na naganap sa Cordillera.
Labingapat na pamilya ang tumanggap ng tulong gaya ng vitamins, masks at face shields. Pinagkalooban din sila ng meals, food packs at financial assistance sa aktibidad na idinaos sa Department of Social Welfare and Development Training Center sa Baguio City.
Ang mga tumanggap ng tulong ay pawang mula sa Abra at Ifugao, La Trinidad, Atok, at Kabayan at sa Baguio City.
May mga nakatanggap din ng sapatos, at bisikleta. Habang nagbigay din ang tanggapan ng senador ng tablets para magamit ng mga bata sa kanilang blended learning.
“Kay Senator Bong Go, nagpapasalamat po ako ng marami sa tulong niya sa amin, na di namin inaasahan. At kay President Duterte, napakalaking tulong itong naibigay niyo sa amin sa pangyayari sa buhay namin sa ngayon, kaya maraming, maraming salamat po mula sa aming puso,” Janeth Gonzaga, na isa sa mga benepisyaryo.
Bilang chairman ng Senate Committee on Health, tiniyak ni Go ang mga mahihirap at vulnerable sectors ay makatatanggap ng bakuna kontra COVID-19.
Sinabi ni Go na unti-unti nang dumarating ang mga bakuna sa bansa.
“Huwag ho kayong mag-alala, mayro’n na hong bakunang dumarating. Unti-unti, inuuna lang po ang mga frontliners. Susunod naman po ‘yung mahihirap nating kababayan para unti-unti na tayong makabalik sa normal nating pamumuhay,” ayon sa senador.
Sa mga nangangailangan ng tulong medikal, sinabi ni Go na maaring humingi ng medical assistance sa Malasakit Centers na nasa Baguio General Hospital and Medical Center sa Baguio City, Benguet General Hospital sa La Trinidad at sa Far North Luzon General Hospital and Training Center sa Luna, Apayao.
Sa naturang aktibidad, may mga kinatawan din ng Department of Social Welfare and Development na namahagi ng tulong pinansyal sa mga pamilya.
Kinilala naman ni Go ang serbisyong ibinibigay ng mga lokal na opisyal sa Cordillera partikular si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Kasabay nito, umapela si Go sa publiko na mag-doble ingat sa insidente ng sunog kasabay ng paggunita ng Fire Prevention month.
“Tulung-tulong lang po tayo. Ingat tayo mga kababayan ko dahil ngayon pong buwang ito ay Fire Prevention Month po. Ingat tayo at marami pong sunog na nangyayari. Tandaan, a life lost is a life lost forever,” ayon pa kay Go.
Si Go ang pangunahing author ng Senate Bill No. 1832 na nag-aatas sa Bureau of Fire Protection na bumuo at magpatupad ng fire protection modernization program.
Kabilang dito ang pagbili ng modernong fire equipment, pagpapalawig ng manpower, at pagsasagawa ng specialized training para sa mga bumbero.
Nakasaad din sa panukala na ang BFP ay dapat magsagawa ng buwanang fire prevention campaigns at information drives sa mga lokalidad.
Ang SBN 1832 ay naipasa na sa ikatlo at huling pagbasa noong March 8.
“Tandaan natin, minsan lang tayo dadaan sa mundong ito. Kung ano pong kabutihan o tulong na puwede nating gawin sa ating kapwa tao, gawin na po natin ngayon dahil hindi na po tayo babalik sa mundong ito. Kami ni Pangulong Duterte, patuloy kaming magseserbisyo sa inyo. Dahil para sa amin, ang serbisyo po sa tao ay serbisyo po ‘yan sa Diyos.” dagdag pa ng senador.