1.4 million doses ng COVID-19 vaccine darating sa bansa ngayong buwan

1.4 million doses ng COVID-19 vaccine darating sa bansa ngayong buwan

Makatatanggap ang bansa ng 1.4 million pang doses ng bakuna kontra COVID-19 ngayong buwan.

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., galing ito sa Sinovac Biotech.

Kabilang dito ayon kay Galvez ang dagdag na 400,000 pang donasyon ng pamahalaan ng China at 1 million na binili ng Philippine government.

Posible aniyang sa March 24 ang pinakamaagang dating sa bansa ng unang bahagi ng nasabing mga bakuna.

Ang isang milyong binili ng DOH naman ay maaring sa March 28 dumating.

Magugunitang noong Pebrero natanggap ng Pilipinas ang unang shipment ng COVID-19 vaccines.

Dahil dito, naumpisahan ang rollout ng bakuna sa mga health worker gamit ang 600,000 Sinovac doses na donasyon din ng China.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *