Panukalang batas para bigyan ng PH Citizenship si Bienvenido Marañon at Ange Kouame pasado na sa Senado
Pumasa na sa Senado ang panukalang batas na magbibigay ng Philippine Citizenship kina Bienvenido Marañon at Ange Kouame.
Ayon ito kay Senator Richard Gordon na siyang pangunahing author at sponsor ng panukala.
Limang taon na si Marañon na naglalaro ng football sa ilalim ng United City, at nagtuturo siya sa mga football club sa Sagay, Bacolod, Boracay, at Maynila.
Habang si Kouame naman ay naging miyembro ng Ateneo Blue Eagles noong nag-three peat sila sa UAAP noong 2017-2019 at naging Rookie of the Year noong 2018.
Sinabi ni Gordon na maliban sa karunungan nila sa sports, naipakita rin ng dalawa na gusto talaga nila maging Pilipino.