Mga menor de edad bawal muling lumabas – MMDA

Mga menor de edad bawal muling lumabas – MMDA

Bawal muling lumabas ng tahanan ang mga menor de edad sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, base sa napagkasundua ng Metro Manila Council, simula bukas, March 17 tanging mga edad 18 hanggang 65 lamang ang papayagang lumabas ng tahanan.

Inihahanda na ng Metro Manila Council, at ng MMDA ang resolusyon na magbabawal sa mga menor de edad partikular ang mga edad 15 hanggang 17 na lumabas ng bahay.

Iiral ito loob ng dalawang linggo sa 17 LGUs sa National Capital Region.

Ang pagpapatupad muli ng age restrictions ay dahil sa pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *