Paggamit ng StaySafe App ipinatutupad sa lahat ng establisyimento sa Caloocan
Para sa mas mabilis na contact tracing, ipinatutupad na sa Lungsod ng Caloocan ang paggamit ng StaySafe App.
Kinakailangang i-download ng mga residente ang StaySafe App sa mga mobile phone at mag-register.
Kung mayroong StaySafe App ay hindi na kinakailangan pang magsulat sa contact tracing form ng mga residente.
Sa City Hall, mga kawani man o taxpayer, ang mga wala pang StaySafe App ay pansamantala munang pinapasulat ang mga pangalan.
Pinapayuhan sila na mag-download na ng nasabing application para magamit sa susunod napagbisita.
Noong nakaraang linggo ay naglabas ng kautusan si Mayor Oca Malapitan para sa paggamit ng StaySafe App sa lahat ng pampubliko at pribadong establisyemento sa Caloocan.
Ang StaySafe ay ang opisyal na health condition reporting at contact tracing system sa buong Pilipinas sa gitna ng pandemya.
Makakatulong ang paggamit nito upang mapabilis ang contact tracing, na isang mabisang paraan para sa ating laban kontra COVID-19.