2 mayor, 3 vice mayor, at ilang miyembro ng sangguniang bayan sa Cagayan nagpositibo sa COVID-19

2 mayor, 3 vice mayor, at ilang miyembro ng sangguniang bayan sa Cagayan nagpositibo sa COVID-19

Nakapagtala ng mataas na bilang ng mga halal na opisyal sa Cagayan na nagpositibo sa COVID-19 sa nakalipas na mga araw.

Ito ay batay sa datos na inilalabas ng Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU) na naibaba naman sa Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU).

Sa mga halal na opisyal na nagpositibo sa sakit, si Solana Vice Mayor Jojo Carag pa lamang ang pumayag na ailathala na siya ay COVID-19 positive ayon sa Cagayan Public Information Office.

Batay sa datos, dalawang (2) mayor na mula sa 1st at 3rd District ang positive sa COVID-19 habang tatlo (3) naman na vice mayor ang positive.

Mula 2nd at 3rd District naman ang nagpositibo na bise mayor.

May dalawang (2) miyembro naman ng Sangguniang Bayan sa isang bayan sa Ikatlong Distrito ang nagpositibo sa sakit.

Kaugnay nito ay patuloy ang apela ni Cagayan Gov. Manuel Mamba lalo na sa mga public officials na boluntaryong pumayag na mapangalanan kung sila ay positibo sa COVID-19.

Ito ay upang mapabilis ang contact tracing lalo at normal na marami ang nakakasalamuha ng mga ito.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *