77 porsyento ng mga health workers sa pitong ospital sa Mountain Province nakatanggap na ng bakuna kontra COVID-19
77 porsyento na ng 955 health workers sa Mountain Province ang nabakunahan kontra COVID-19.
Ayon sa datos mula sa pamahalaang panlalawigan, sa 955 na health workers sa Mountain Province ay 736 na ang nakatanggap ng Sinovac COVID-19 vaccine.
Sila ay pawang mula sa pitong ospital sa lalawigan.
Ang Bontoc General Hospital at ang Luis Hora Memorial Regional Hospital ang unang nakapaglunsad ng vaccination program dose oras matapos nilang matapos dumating sa lalawigan ang mga bakuna noong gabi ng March 5, 2021.
Ang iba pang ospital na nakapag-rollout na ng bakuna ay ang St. Theodore’s Hospital (Sagada), Barlig District Hospital, Besao District Hospital, Paracelis District Hospital at ang Anastacia Rafael Sagel Memorial Hospital (Natonin).
Ang iba pang mga health workers na hindi nakatanggap ng bakuna ay bunsod ng sumusunod na dahilan:
đź“ŚWith uncontrollable/ high blood pressure;
đź“Śexperiencing cough and colds (symptomatic);
đź“ŚTaking medications contraindicated to the vaccine;
đź“ŚCompleting the 90-day requirement for staff currently tagged as recovered from COVID-19;
đź“ŚNot cleared by the screening physician due to multiple comorbidities;
đź“ŚWith hypersensitivity reaction;
đź“ŚWithin the first trimester of pregnancy; and
đź“ŚCurrently breastfeeding.
May mga health workers din na sadyang tumangging magpabakuna dahil natatakot sa side effects, habang ang iba ay hinihintay ang AstraZeneca vaccines.