Mahigit 5,000 bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH; pinakamataas na single-day increase simula noong Aug. 26, 2020
Nakapagtala muli ng mataas na dagdag sa kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay makaraang umabot sa mahigit 5,000 ang nadagdag na bagong kaso ng sakit.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Lunes (March 15), umabot na sa 626,893 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 5,404 ang dagdag na mga kaso.
Ito na ang pinakamataas na single-day increase simula noong August 26, 2020 kung saan nakapagtala ng 5,277 na bagong kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 560,577 ang gumaling o katumbas ng 89.4 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 71 na gumaling.
53,479 naman ang active cases o katumbas ng 8.5 percent.
Habang nakapagtala pa ng dagdag na 8 pang pumanaw sa sakit.
12,837 ang kabuuang death toll sa bansa o 2.05 percent.