73 patay, mahigit 3,500 sugatan sa pagsabog sa Beirut, Lebanon
Umabot sa mahigit 70 ang naitalang nasawi habang mahigit 3,500 ang nasugatan sa pagsabog na naganap sa Beirut, Lebanon.
Sa ulat ng Associated Press, dalawang magkasunod na pagsabog ang naganap sa pantalan sa Beirut.
Dahil sa dami ng mga nasugatan, napuno ang mga ospital sa Beirut.
Ayon sa General Security ng Lebanon ang pagsabog ay mula sa highly explosive material na kinumpiska mula sa isang barko sa pantalan sa Beirut.
Kinumpirma naman ng Interior Minister ng Lebanon na ammonium nitrate na nakaimbak sa isang bodega sa pantalan ang pinagmulan ng malakas na pagsabog.
Dahil sa insidente, nadismaya si Lebanese President Michel Aoun bunsod ng aniya ay kapabayaan sa storage ng 2,750 tonnes ng ammonium nitrate na anim na taon nang nakaimbak sa bodega.