7,200 doses ng bakuna kontra COVID-19 vaccines dumating na sa Cebu City
Dumating na sa Cebu City ang nasa 7,200 na doses ng CoronaVac (Sinovac).
Ayon sa Office of the Presidential Assistant for the Visayas, ang nasabing mga bakuna ay gagamitin para sa mga health workers sa Vicente Sotto Memorial Medical Center.
Isasagawa ang pagbabakuna sa araw ng Huwebes, March 4.
Ayon kay Dr. Mary Jean Loreche, tagapagsalita ng DOH Region 7. 2,480 mula sa 2,987 na healtcare workers ng VSMMC ang nagsabing sila ay handang magpabakuna.
Unang tatanggap ng bakuna si Dr. Gerardo Aquino, ang pinuno ng VSMMC.
Sasaksihan ni DOH Secretary Dr. Francisco Duque III ang symbolic vaccination.