Labi ng Pinay na nasawi sa bus accident sa Germany naiuwi na ng bansa
Naiuwi na sa Pilipinas ang labi ng Pilipinang nasawi sa aksidente ng bus sa A96 highway sa Germany.
Dumating ang mga labi sakay ng Turkish Airlines flight TK0084 mula Munich.
Personal na sinalubong ng naulilang pamilya ang labi ng Pinay, kasama ang mga kinatawan mula sa OWWA at DMW.
Mula nang mangyari ang aksidente, patuloy ang koordinasyon ng DMW at OWWA, katuwang ang Department of Foreign Affairs, Philippine Consulate General sa Frankfurt, at iba pang tanggapan sa Germany upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga Pilipinong naapektuhan ng aksidente.
Kabilang sa mga hakbang ang pakikipag-ugnayan sa mga otoridad sa Germany, pagproseso ng mga kinakailangang dokumento, at pagsasaayos ng repatriation ng labi pabalik sa Pilipinas. (DDC)
