Mahigit 1,900 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa magdamag; 61 pa ang nasawi
Nakapagtala ng mahigit 1,800 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa magdamag.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Biyernes (Pebrero 5), umabot na sa 533,587 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay makaraang makapagtala ng 1,894 na dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 488,274 ang gumaling o katumbas ng 91.5 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 397 pa na gumaling.
34,255 naman ang active cases o katumbas ng 6.4 percent.
Habang nakapagtala pa ng dagdag na 61 pang pumanaw sa sakit.
11,058 ang kabuuang death toll sa bansa o 2.07 percent.