Mahigit 1,500 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa magdamag; 67 pa ang nasawi
Nakapagtala ng mahigit 1,500 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa magdamag.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Martes (Pebrero 2), umabot na sa 528,853 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay makaraang makapagtala ng 1,583 na dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 487,611 ang gumaling o katumbas ng 92.2 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 39 pa na gumaling.
30,368 naman ang active cases o katumbas ng 5.7 percent.
Habang nakapagtala pa ng dagdag na 67 pang pumanaw sa sakit.
10,874 ang kabuuang death toll sa bansa o 2.06 percent.