600 katao huli sa paglabag sa health and safety protocols sa QC sa magdamag
Sa nakalipas na magdamag umabot sa 600 katao ang nahuli sa Quezon City dahil sa paglabag sa health and safety protocols.
Dinala sa Quezon Memorial Circle ang mga nahuli sa ikinasang One Time Big Time Operation sa pangunguna ng Department of Public Order and Safety, Task Force on Transport and Traffic Management, Task Force Disiplina, Market Development and Administration Department, at QC Police District.
Inisyuhan ng ticket ang mga lumabag sa mga ordinansa kaugnay sa minimum health protocols tulad ng No Face Mask Ordinance, mandatory face shield ordinance, at social distancing.
Sila ay inisyuhan ng Ordinance Violation Receipt na maaaring matubos sa loob ng limang araw.
Pagdating sa Quezon Memorial Circle, pinakain ang mga nahuli at binigyan ng lecture kaugnay sa pagsunod sa tamang protocol.
Tumanggap din sila ng libreng face mask.
Ang mga nakitaan naman ng sintomas ay isinailalim sa swab testing.