60 contact tracers ng DOH magsasagawa ng malawakang contact tracing operations sa CAR
Nagsasagawa na ng contact tracing ang Department of Health (DOH) sa Cordillera Administrative Region CAR) para maiwasan ang paglaganap ng B.1.1.7 variant o UK variant ng COVID-19 sa rehiyon.
Ito ay makaraang makapagtala ng 12 kaso ng UK bariant sa Bontoc, Mt. Province at isa sa La Trinidad, Benguet.
Ayo kay Contact Tracing Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, mayroong team ang DOH na kapapalooban ng mahigit 60 trained contact tracers na magsasagawa ng tracing operations sa rehiyon.
Ang mga miyembro ng team ay galing sa Regions 1, 2 at 3 at sa Regional Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (RIATF MEID).
Maliban sa contact tracing operations, aalamin din ng DOH ang exposure at travel histories ng mga pasyente. (D. Cargullo)