6 sugatan sa nasunog na barko sa Delpan sa Maynila

6 sugatan sa nasunog na barko sa Delpan sa Maynila

Anim na katao ang nasugatan sa sunog na naganap sa nakadaong na barko sa bahagi ng Delpan Bridge, Tondo, Manila.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nagsimula ang sunogn dakong alas 9:00 ng umaga ng Sabado, June 12 sa nakadaong na MV TITAN 8.

Sa salaysay ng isang crew ng barko, naliligo siya nang bigla siyang nakarinig ng malakas na pagsabog kaya dali-dali siyang tumalon sa tubig.

Ang mga kapwa niya crew ay nagtalunan din sa tubig.

Nakadaong sa Delpan Wharf ang barko para sa refueling operation bilang paghahanda sa pagbiyahe nito patungong Palawan.

Agad naglagay ang Coast Guard ng oil spill boom para maiwasan ang posibleng oil spill.

Agad ding nag-isyu ng notice to mariners (NOTAM) at pinaiwas ang mga barko na dumaan sa lugar.

Ayon sa Coast Guard, apat sa mga nasugatan ay crew ng MV TITAN 8 habang ang dalawa ay crew ng kalapit na barko na MV PRINCESS CHRISTINE.

Mayroon pang dalawang crew ng MV TITAN 8 na pinaghahanap.

May ilan ding bahay sa malapit sa Delpan Bridge ang nadamay sa sunog matapos anurin ang mga drum ng gasolina na lulan ng MV TITAN 8. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *