6 na pasahero ng MRT-3 nagpositibo sa isinagawang Random Antigen Testing
Sa unang araw ng pagsasagawa ng Random Antigen Testing sa mga pasahero ng MRT-3, anim sa mga pasahero ang nagpositibo.
Ngayong araw ng Martes, January 11 pormal na inumpisahan ng pamunuan ng MRT-3 ang pagsasagawa ng Random Antigen Testing sa mga pasahero nito.
Boluntaryo ang pagpapasailalim sa test at walang pinipilit na pasahero.
Ayon sa datos, sa 48 pasahero na naisailalim sa Antigen Testing, 42 ay negatibo at 6 ang positibo.
Ang mga pasaherong pumayag magpasailalim sa Antigen Test at negatibo ang resulta ay libre nang nakasakay sa MRT-3.
Ang mga nagpositibo naman sa antigen testing ay hindi na pinabiyahe at inabisuhan na kaagad magself-isolate at makipag-ugnayan sa local government unit (LGU) para sa health monitoring at confirmatory RT-PCR testing. (DDC)