6 na bagong general overhauled LRVs, nagagamit na sa linya ng MRT-3
Nagsimula nang gamitin ang anim (6) na general overhauled light rail vehicles (LRVs) sa linya ng MRT-3, dagdag sa tatlong (3) general overhauled LRVs na naunang napatakbo sa main line.
Ang kabuuang siyam (9) na general overhauled LRVs sa linya ay makatutulong sa pagpapataas ng kapasidad ng mga tren na makapagsakay ng mga pasahero.
Sumailalim sa simulation run ang mga general overhauled LRVS upang siguruhing ligtas na gamitin ang mga bagon at maaari nang idagdag sa mga operational train sets na tumatakbo sa linya.
Sa kabuuan, mayroong 66 LRVs na ang operational sa linya, habang 20 CKD train sets at 1 Dalian train set ang tumatakbo sa linya.
Sa kasalukuyan, nakapagsasakay ang MRT-3 ng 30% passenger capacity, na may katumbas na 124 na pasahero kada bagon o 372 na pasahero kada train set.
Ang general overhauling ng kabuuang 72 LRVs ng MRT-3 ay bahagi ng maintenance works ng pamunuan sa tulong ng maintenance provider nito na Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries.