58 bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH sa Eastern Visayas

58 bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH sa Eastern Visayas

Mayroong nitalang 58 pa na bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Batay sa datos na inilabas ng Department of Health-Eastern Visayas, dahil sa dagdag na mga kaso umabot na sa 1,421 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 927 na ang gumaling at 490 ang aktibong kaso.

Ang mga bagong kasong naitala ay mula sa Albuera, Tacloban, Palompon, Ormoc, Dulag, Jaro, Matalom , Mayorga, Merida, Tabon-Tabon at Alang-alang sa lalawigan ng Leyte.

Mayroon ding mga bagong kasong naitala mula Basey, Villareal, Calbayog, Sta. Margarita, sa Samar. At gayundin sa Biliran, Biliran

Pito sa mga bagong kaso ay pawang mga LSIs na umuwi sa rehiyon galing ng Metro Manila at Cebu.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *