57 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng dagdag na 57 kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Ayon sa datos ng DOH-Eastern Visayas, umabot na sa 4,135 ang kabuuang bilang ng COVID-19 na naitatala sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,458 (83.62%) na ang gumaling, habang 41 (1%) naman ang nasawi.
636 na lang ang active cases sa rehiyon.
Karamihan sa mga bagong pasyente ay pawang close contact ng mga nauna nang nagpositibo sa sakit. (END)