LPA, ITCZ magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

LPA, ITCZ magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

Makararanas pa din ng pag-ulan ngayong araw ang malaking bahagi ng bansa dahil sa Low Pressure Area (LPA) at Intertropical Convergence Zone (ITZC).

Huling namataan ang LPA sa layong 65 kilometers East ng Guiuan, Eastern Samar na nakapaloob sa ITCZ.

Umiiral pa din ang Tail-end of Frontal System (Shear line) at apektado nito ang eastern section ng Southern Luzon.

Dahil sa LPA at Tail-end of Frontal System makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw ang Eastern Visayas at Bicol Region.

Maulap na papawirin din na may kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa Caraga, Western at Central Visayas, Zamboanga del Norte, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Quezon dahil sa LPA.

Habang mahinang pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley, Apayao, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, at Aurora dahil sa Northeast Monsoon. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *