DSWD tinulungan ang mga magulang ng 2 estudyanteng pinatay sa Las Piñas City

Nagkaloob ang Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) Field Office-National Capital Region (FO-NCR) ng P10,000 na halaga ng tulong pinansiyal at family food packs (FFPs) sa mga pamilya ng dalawang Grade 8 students na pinatay sa saksak sa Las Piñas City nitong Abril 11.
Sinabi ni DSWD spokesperson Asst. Secretary Irene Dumlao na ang FO-NCR ay magbibigay din ng burial aid sa mga susunod na araw.
Ang agarang assistance na ito ay base sa direktiba ni Secretary REX Gatchalian para sa pagbibigay ng lahat ng posibleng tulong sa mga naulilang pamilya ng dalawang junior high school students. (Bhelle Gamboa)