Security policies at procedures sa BuCor, masusing pinarerepaso ni Catapang

Security policies at procedures sa BuCor, masusing pinarerepaso ni Catapang

Ipinag-utos ni Bureau Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. sa intelligence, security at operations unit ng BuCor na masusing repasuhin ang umiiral na security policies at procedures upang maiwasan ang pagkukulang sa seguridad.

Ang direktibang ito ni Catapang ay kasunod ng nakakaalarmang pag-atake sa mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Manila-Cavite Expressway nitong Abril 7.

Tinambangan ng mga armadong mga suspek ang isang transport vehicle ng BJMP na sinasakyan ng 37-anyos na si Hu Yang, isang Chinese national at individual deprived of liberty na nahaharap sa mga kasong paglabag sa New Anti-Carnapping Act at ng Firearms and Ammunition Regulation Act.

Ang kaso ni Hu Yang ay hinihinalang nakaugnay sa notoryus na sindikato ng pagdukot o kidnapping syndicate na kilala sa brutal na pamamaraan kasama na ang pagtorture at pagpatay sa mga biktima.

Nabatid na ang naturang Chinese ay wanted sa otoridad ng China dahil sa pagkasangkot nito sa kidnapping case sa Jinjiang City.

Kaya naman nais ni Catapang na palakasin pa ang mga hakbang pangseguridad upang mapigilan ang katulad na insidente sa hinaharap at tiyakin ang kaligtasan ng tagapagpatupad ng ng batas at publiko.

Layunin aniya na matukoy ang mga kahinaan at magpatupad ng mas mahigpit pang protocols para epektibong kaligtasan sa transportasyon ng high-risk detainees.

“Although it was reported that six of the assailants were arrested, it is better to take precautionary measures,” pahayag ni Catapang. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *