Eroplano ng PAL nag-emergency landing sa Haneda Airport dahil sa usok sa cabin

Kinumpirma ng Department of Transportation (DOTr) na isang flight ng Philippine Airlines ang nag-emergency landing sa Haneda Airport sa Japan.
Ayon kay DOTr Sec. Vince Dizon, umalis ng Manila ang eroplano gabi ng Miyerkules (Apr. 9), pero kinailangan nitong mag-emergency landing matapos magkaroon ng usok sa cabin.
Sinabi ni Dizon na ligtas ang lahat ng crew at pasahero ng nasabing eroplano.
Agad ding nakipag-ugnayan ang pamahalaan sa mga otoridad ng Haneda Airport para maasistehan ang mga apektadong pasahero.
Ayon naman sa PAL, mayroong 355 na pasahero ang eroplano.
Pasado alas 10:00 ng umaga ng Huwebes(Apr. 10) naghihintay pa rin ng go signal mula sa airport authorities sa Haneda para mapayagang makababa ng eroplano ng mga pasahero. (DDC)