Tulong ng DSWD, Facebook PH hihilingin ng DSWD para matanggal ang viral video ng babaeng may psychosocial disability sa Pasig

 Tulong ng DSWD, Facebook PH hihilingin ng DSWD para matanggal ang viral video ng babaeng may psychosocial disability sa Pasig

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) at sa Facebook Philippines para mapatanggal ang viral post kung saan kinuhanan ng video ang isang babaeng may mental health condition para siraan si Pasig City Mayor Vico Sotto in a video.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, nais matukoy ng ahensya kung sino ang nag-upload at makikipag-ugnayan din sila sa Facebook para ma-take down ang post.

Sa ngayon ang ahensya ay nagbibigay ng psychosocial interventions sa babaeng nasa video at financial assistance sa kaniyang pamilya.

Nakatakda ding magsagawa ng follow up assessment ang DSWD fact-finding team sa pamumuno ni Asst. Secretary Elaine Fallarcuna sa biktima at sa kaniyang pamilya. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *