DSWD tiniyak ang mabilis na paghahatid ng tulong sa mga maaapektuhan ng pagputok ng Bulkang Kanlaon

DSWD tiniyak ang mabilis na paghahatid ng tulong sa mga maaapektuhan ng pagputok ng Bulkang Kanlaon

May nakahanda ng 250,000 na kahon ng Family Food Packs (FFPs) ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Regional Offices nito sa Western Visayas at Central Visayas.

Ito ay upang ipangtulong sa mga maaapektuhan ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, nakahandang i-dispatch anumang oras ang mga food packs.

Simula nang unang mag-alburuto ang bulkan noong Disyembre ng nakaraang taon, sinabi ni Gatchalian na inumpisahan na ang delivery ng mga food packs sa Region 6 at Region 7.

Maliban sa mga food packs, mayroon ding nakahanda na P865,447,008 na halaga ng non-food items ang DSWD na kinabibilangan ng kitchen kit, family kit, sleeping kit, hygiene kit, at laminated sacks. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *