Barko ng China limang araw na sa karagatan ng Pilipinas; posibleng nagsasagawa ng marine scientific research – PCG

Posibleng nagsasagawa ng marine scientific research sa karagatan ng bansa ang research vessel ng China.
Ayon kay Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG) batay sa Dark Vessel Detection (DVD) Program ng Canada, ang Chinese research vessel na ZHONG SHAN DA XUE ay umalis sa Guandong Port, China, noong March 31.
Pumasok ito sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas nooong April 2.
Simula noon ay nanatili na sa loob ng EEZ ng bansa ang nasabing research vessel at iisa lamang ang pattern ng paglalayag nito sa northeastern part ng Pilipinas.
Ayon kay Tarriela base sa navigation pattern ng barko ng China sa nakalipas na limang araw, maaaring ang research vessel ay nagsasagawa ng marine scientific research sa katubigan ng Pilipinas.
Umaga ng Lunes, Apr. 7 ang lokasyon ng Chinese research vessel ay amataan sa 91.4 nautical miles ng northeast coast ng Itbayat, Batanes. (DDC)