Mga guro binigyan ng 30-day uninterrupted flexible vacation ng DepEd

Mga guro binigyan ng 30-day uninterrupted flexible vacation ng DepEd

Nagbigay ang Department of Education (DepEd) ng 30-day uninterrupted flexible vacation nang walang anumang school-related commitments ang gma guro sa mga pampublikong paaralan sa pagtatapos ng School Year 2024-2025.

Ito ay para mabigyan ng work-life balance ang mga guro at matiyak na sila ay magkakaroon ng sapat na pahinga para makapag-recharge nang iniintindi na school requirements.

Sa ilalim ng guidelines ng DepEd ang mga guro ay papayagan na mag-schedule ng kanilang 30-day uninterrupted break sa pagitan ng April 16 hanggang June 1, 2025.

Ang 30-day break ay maaaring tuluy-tuloy o putol-putol.

Sakop din ng nasabing kautusan ang mga guro sa Alternative Learning System (ALS) at ang mga nagtuturo sa Arabic Language and Islamic Values Education (ALIVE) classes.

Habang nasa ilalim ng 30-day vacation, ang gma guro ay hindi obligado na lumahok sa mga aktibidad na may kaugnayan sa Performance Management Evaluation System (PMES).

Samantala, hindi naman sakop ng kautusan ang mga school heads, dahil sila ang responsable sa sap ag-manage ng mga paaralan sa kasagsagan ng break.

Pero maaari pa rin naman silang mag-avail ng vacation at sick leave credits. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *