Halos P500K na halaga ng illegal na droga, nakumpiska g Paranaque City Police

Halos P500K na halaga ng illegal na droga, nakumpiska g Paranaque City Police

Aabot sa halos kalahating milyong pisong halaga ng pinaghihinalaang ilegal na droga ang nakumpiska ng mga operatiba Parañaque City Police Station at naaresto ang limang suspek sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation sa M. Rodriguez Street, Barangay La Huerta.

Ang mga nadakip na suspek ay kinilalang sina alyas “Ramil,” 54-anyos, fish vendor, tinukoy ng otoridad na High-Value Individual (Havai); alyas “Judy”, 28-anyos; alyas “Jayson”, 43-anyos, construction worker; alyas “Ginalyn”, 40-anyos, seafood vendor; at alyas “Raquel”, 51-anyos, seafood vendor, pawang binasangang Street-Level Individuals (SLI).

Ayon sa report, isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng direktang superbisyon ni Col. Melvin R. Montante hepe ng Paran̈aque PNP, na nagresulta ng pagkaaresto ng limang suspek drug suspek.

Sa gitna ng operasyon, nakumpiska ng otoridad ang tinatayang 70 na gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P476,320.00, buy-bust money, cellphone na sinasabing ginamit sa drug transactions, at drug paraphernalia.

Ang nakumpiskang mga ebidensiya ay tinurn-over sa Southern Police District Forensic Unit (SPDFU) para suriin.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002)ang limang suspek sa Parañaque City Prosecutor’s Office.

Pinuri naman ni SPD Acting District Director, BGen Joseph R. Arguelles ang operation team sa kanilang dedikasyon at mahusay na pagsagawa ng operasyon.

“We commend the dedication and teamwork displayed by our operatives in ensuring the arrest of a High-Value Target and multiple street-level offenders, ultimately contributing to the safety and security of our communities,” pahayag ni BGen Arguelles.

“This successful anti-drug operation underscores our commitment to eradicating illegal drugs in our communities. We will continue to intensify our efforts to ensure the safety and security of our people,” dagdag pa nito.

Hinihikayat ng SPD ang publiko na manatiling mapanuri at ireport ang anumang kahina-hinalang mga aktibidad ng bentahan ng ilegal na droga sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o sa pamamagitan ng PNP Hotline. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *