NPC pinag-iingat ang mga magulang sa pagsali sa contest online na humihikayat na mag-post ng larawan ng kanilang anak

Pinag-iingat ng National Privacy Commission (NPC) ang mga magulang sa mga pa-contest sa social media na humihikayat na mag-post ng larawan ng kanilang anak.
Kabilang dito ang mga pa-contest kung saan ang mga mommy at daddy ay hinihikayat na mag-comment ng pictures ng kanilang babies kapalit ng pera o premyo.
Sinabi ng NPC na bagaman muha itong harmless ay delikado ang ganitong pa-contest.
Maaari kasing magamit ang pictures sa online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC).
Nagbibigay in ito ng impormasyon na available sa publiko at maaring magamit ng masasamang loob.
Paalala ng NPC, huwag hayaang maging biktima ang mga bata at ugaliing gawin ang “think before you post”. (DDC)