Travel agency sa Pampanga na ilegal na nagre-recuit ng mga Pinoy patungong Bulgaria ipinasara ng DMW

Ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isang travel agency sa San Fernando City, Pampanga dahil sa ilegal na pagre-recruit ng mga Pinoy para magtrabaho bilang factory workers sa Bulgaria.
Iniutos ni Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac ang pagpapasara sa YATRA TRAVEL & TOURS matapos matuklasang sangkot ito sa hindi otorisadong recruitment activities.
Nabatid na ang YATRA TRAVEL ay nag-aalok ng job opportunities sa Bulgaria bilang factory workers sa automobile at textile industries at ipinapangako ang P90,000 hanggang P 110,000 na sweldo kada bwuan.
Naniningil ang ahensya ng processing na umaabot sa P400,000 hanggang P500,000.
Ang mga aplikante ay pinagbabayad ng downpayment na P50,000 para sa slot o reservation.
Ito na ang ika-siyam na establisyemento na naipasara ng DMW ngayong toan.
Sinabi ni DMW Undersecretary Bernard P. Olalia na magpapatuloy ang kanilang surveillance at hindi titigil ang ahensya hangga’t hindi nahahalughog lahat ng mga illegal recruiters. (DDC)