Higit 29,000 ektaryang lupa ng BuCor sa Puerto Princesa rehistrado na

Higit 29,000 ektaryang lupa ng BuCor sa Puerto Princesa rehistrado na

Pormal na pinatituluhan ng Bureau of Corrections (BuCor) at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang ekta-ektaryang lupa sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Puerto Princesa, Palawan, sa pamamagitan nang nilagdaang memorandum of agreement sa BuCor Headquarters sa Muntinlupa City.

Ang MOA ay pinirmahan nina BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. at DENR MIMAROPA’s Officer-in-Charge Regional Executive Director Felix S. Mirasol Jr. na sinaksihan nina Atty. Al Perreras, Deputy Director for Administration of Bucor, C/Supt Melencio Faustino, Chief ng BuCor Legal Office Atty. Jocelyn Yu, at Vicente Tuddao Jr., hepe ng DENR-MIMAROPA Technical Services Division.

Binigyang-diin ni Catapang ang importansiya ng pagsasapormal ng mga lupang pagmamay-ari ng ahensiya.

“The BuCor maintains and administers several public lands across the country through various methods, including presidential proclamations, executive orders, donations, and more,” sabi ni DG Catapang.

Partikular na binanggit ng BuCor chief ang IPPF na mayroong higit 29,000 na ektaryang lupa na mahalaga sa ahensiya at sa mas malawak na komunidad.

Ang MOA para sa IPPF ay isang mahalagang hakbang na matukoy ng malinaw ang mga hangganan o boundaries at ng legal na estado ng mga properties sa ilalim ng hurisdiksiyon ng BuCor na naglalayong magbigay ng mga reserbasyon alinsunod sa Republic Act 10575 o mas kilala sa tawag na Bureau of Corrections Act of 2013.

Nilinaw din ni Catapang na ang aksyon na ito ay mandato sa lahat ng mga lupang pinamamahalaan ng BuCor na maging sertipikado ng titulong rehistrado sa ilalim ng pangalan ng BuCor.

“If you have a land title, it serves as the legal basis for ownership, providing a solid foundation for any transactions or actions related to the land,” pahayag pa nito.

Mahalaga rin ang ginagampanang papel ng DENR sa ganitong proseso, na mayroong otoridada at kapabilidad na magsagawa ng surveys at mag-apruba ng mga sukat ng lupa na naayon sa batas at panuntunan.

Ang kolaborasyon sa pagitan ng BuCor at DENR ay pagpapakita ito ng pagpapaganda ng pamamahala, pagtiyak sa mga pampublikong lupa, at isaayos ng pangkalahatang pamamalakad sa pinalawak na mga teritoryong pinangangasiwaan ng Bureau.

Ayon pa kay Catapang sumisimbolo ang nilagdaang kasunduan hindi lamang sa pangakong epektibong pamamahala sa lupain kundi sumasalamin din sa binabahaging adhikain para tiyakin ang mga mahahalagang pinagkukunan o resources na kilalanin, protektado, at magagamit sa kapakinabangan ng komunidad at isulong ang integridad ng kapaligiran. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *