Polisiya na nagpapataw ng limitasyon sa bagaheng ipapasok sa mga tren ng MRT-3 sinuspinde ng DOTr

Sinuspinde ng Department of Transportation (DOTr) ang polisiya nito na nagpapataw ng limitasyon sa hand-carried luggage sa MRT-3.
Ayon sa pahayag ng DOTr, nakarating kay Secretary Vince Dizon ang luma nang polisiya ng MRT-3.
Kinuwestyon ni Dizon ang polisiya at inatasan si MRT-3 General Manager Michael Capati na suspendihin ito at isailalim sa review.
Sa gagawing review tiniyak ng DOTr na ikukunsidera ang pangangailangan ng mga commuter,
Sa ilalim ng nasabing polisiya, ipinagbabawal sa mga tren ng MRT-3 ang pagdadala ng bagahe na lagpas sa 2ftx2ft ang laki.
Inulan naman itong ng batikos at may mga nagbanggit na sa ibang mga bansa, ang mga tren ay ginagamit ng mga pasaherong magtutungo sa paliparan kaya naisasakay nila ang kanilang mga bagahe. (DDC)