DSWD Sec. Gatchalian hindi nagustuhan ng bstos na biro ng isang kandidato sa mga solo parent

Hindi nagustuhan ni DSWD Sec. Rex Gatchalian ang biro ng isang kandidato sa pagka-Kongresista sa Pasig City hinggil sa mga solo parent.
Kasunod ito ng nag viral na video ni Pasig Congressional Candidate Christian Sia sa isang campaign caucus kung saan sinabi nitong ang mga solo parent na nakararanas ng kalungkutan ay maaaring sumiping sa kaniya isang beses sa isang taon.
Ayon sa kalihim ng DSWD ilang ulit din siyang nakaranas ng barangay-based caucuses at batid nya kung gaano kahirap makuha at mapanatili ang atensyon ng publiko.
Gayunman hindi aniyang tamang gamitin ang vulnerable, poor, at marginalized sectors sa mga ganitong uri ng biro.
Ayon kay Gatchalian bagaman may mga natawang publiko sa biro ni Sia naniniwala syang hindi ibig sabihin ay iboboto siya ng mga ito lalo at matatalino na ang mga botante.
Dagdag pa ni Gatchalian ang mga Solo parents ay maituturing na real-life heroes na ginagawa ang lahat para mabigay ang pangangailangan ng kanilang anak lalo na ang mapakain ang mga ito.
Hindi aniya matatawaran ang sakripisyo ng mga solo parent.
Bilang DSWD Secretary, hindi sya natutuwa sa biro ng nasabing kandidato.
Sa kaniyang Facebook page, nagpaliwanag pa sa Sia at sinabing ang naturang biro ay para lamang makuha ang atensyon ng mga tao na noon ay naiinip na.
Humingi din ito ng dispensa sa nangyari. (DDC)