Korean na wanted sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot sa financial fraud, arestado sa NAIA

Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang South Korean na lalaki na wanted at pinaghahanap ng Interpol at ng mga otoridad sa Seoul dahil sa pagkakasangkot sa financial fraud.
Paalis sana ng Pilipinas ang 29-anyos na si Jung Hyunjoon patungong Guangzhou, China nang siya ay arestuhin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Aayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, inihahanda na ang deportation proceedings laban sa dayuhan upang maharap niya ang mga kaso niya sa Korea.
Isasailalim din sa blacklist ang dayuhan para hindi na siya makapasok muli ng bansa.
Si Jung ay inakusahang bahagi ng voice phishing syndicate at tumanggap ng 5 million won mula sa biktima. (DDC)