Mga Pinoy sa South Korea pinag-iingat sa mga idaraos na protesta kaugnay ng impeachment case ni South Korean President Yoon Suk-Yeol

Pinaalalahanan ng Philippine Embassy sa Korea ang mga Pinoy doon hinggil sa mga kilos protesta at pagtitipon na idaraos bukas, Apr. 4 kaugnay ng impeachment case ni South Korean President Yoon Suk-Yeol.
Ayon sa embahada, bukas ng umaga ay inaasahang lalabas ng pasya ng Constitutional Court of Korea sa nasabing impeachment complaint.
Dahil dito, inaasahan ang malawakang kilos protesta sa iba’t ibang mga lugar.
Sa abiso embahada, pinayuhan ang ga Pinoy na iwasan ang mga lugar na pagdarausan ng mga protesta.
Ayon sa Seoul Metropolitan Government, apektado ng sumusunod na mga lugar:
– Distrito ng Jongno-gu at Jung-gu na idineklara bilang Special Crime Prevention Zones.
– Magkakaroon ng restriksyon sa trapiko sa paligid ng Constitutional Court at pansamantalang sasara ang ga kalapit na palasyo, museo at paaralan.
– Ang Anguk Station ay pansamantalang isasara at hindi hihinto ang mga tren sa nasabing istasyon.
Kung kakailanganin ang tulong ng embahada, maaaring tumawag sa emergency hotline na 010-9263-8119. (DDC)