Ilang empleyado ng MMDA arestado sa “salary deduction scheme”

Ibinunyag ng Metropolitan Development Authority (MMDA) ang pagkakadiskubre sa “salary deduction scheme” sa ahensya.
Ayon sa MMDA, ang mga empleyado ay bahagi ng Payroll Division na nagawang manipulahin ang computerized payroll system at kinaltasan ang ang sweldo ng mga target na empleyado at saka inilipat ang ikinaltas na pera sa kanilang sariling accounts.
Matapos madiskubre ang modus agad nagsampa ng reklamo si MMDA Chairman Atty. Don Artes laban sa mga sangkot sa empleyado.
Nadakip na din ang mga empleyado at naisailalim na sa inquest proceedings.
Nadiskubre ding may iba pang empleyado na sangkot sa modus at inihahanda na din ang
case build-up laban sa mga ito.
Isinailalim din sa preventive suspension ang mga empleyadong sangkot at ang gamit nilang work computers ay secured na.
Nagsasagawa naman na ng internal audit at imbestigasyon ang MMDA para maiwasang maulit pa ang nangyari. (DDC)