Opisyal ng Philippine Marine Corps, 2 iba pa arestado sa pangingikil sa mga aplikante para sa Coast Guard enlistment

Opisyal ng Philippine Marine Corps, 2 iba pa arestado sa pangingikil sa mga aplikante para sa Coast Guard enlistment

Arestado ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police (PNP) ang tatlong illegal recruiters na nangingikil ng P350,000 sa bawat enlistment applicants sa Maynila.

Ang tatlong suspek ay kinilalang sina Marcel Mudjilun na isan opisyal mula sa
Philippine Marine Corps (PMC), Bolkisah Datu-Dacula at Abdul Jalil Datu-Dacula Bantuas.

Ayon sa Coast Guard Human Resource Management Command (CGHRMC) Counter Intel Operatives, ang tatlong suspek ay nadakip matapos silang ireklamo ng dalawang PCG enlistment applicants.

Ayon sa dalawang aplikante, hiningan sila ng tig-P350,000 para matiyak na makapapasok sila sa PCG.

Nasa kostodiya na ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group-Regional Field Unit NCR ang tatlong suspek at inihahanda na ang pagsasampa ng dalawang bilang ng kasong estafa laban sa kanila.

Kaugnay nito ay inatasan ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan ang lahat ng
PCG units na bantayang mabuti at tugunan ang mga report kaugnay sa illegal recruitment para sa mga aplikante ng Coast Guard.

Paalala din ni Gavan sa mga aspiring PCG applicants na ang proseso ng Coast Guard recruitment ay ginagawa lamang sa PCG premises at walang kailangang bayaran sa aplikasyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *