Anim na drug suspects arestado sa Parañaque City; P340K na halaga ng shabu nakumpiska

Anim na drug suspects arestado sa Parañaque City; P340K na halaga ng shabu nakumpiska

Anim na drug suspects kabilang ang isang high-value individual (HVI) ang naaresto ng mga operatiba ng Parañaque City Police at nasabat ang tinatayang 50 na gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P340,000.00, sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Don Bosco sa lungsod.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Anne”, 43-anyos, isang HVI ; alyas Maite, 45-anyos; alyas Donna, 31-anyos; alyas Peter, 28-anyos;alyas Darwin, 47-anyos; alyas Jeffrey, 33-anyos, pawang street-level individuals (SLI).

Nakumpiska s operasyon ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng superbisyon ni Cpt Luis D. Gazzingan Jr. ang hinihinalang shabu, buy-bust money, dalawang mobile phones na umano’y naglalaman ng mga transaksiyon sa ilegal na droga at drug paraphernalia.

Kaagad na dinala ang narekober na ebidensiya sa Southern Police District Forensic Unit (SPDFU) parasa pagsusuri.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang anim na suspek sa Parañaque City Prosecutor’s Office.

Pinuri ni SPD District Director BGen Manuel J. Abrugena ang dedikasyon ng mga operatiba at mahusay na pagkasa ng operasyon.

“This successful anti-drug operation underscores our commitment to eradicating illegal drugs in our communities. We will continue to intensify our efforts to ensure the safety and security of our people,” sabi ni BGen Abrugena.

Hinikayat ng SPD ang publiko na manatiling mapanuri at ireport sa malapit na himpilan ng pulisya o sa PNP hotline ang anumang kahina-hinalang aktibidad na may kinalaman sa bentahan ng illegal droga. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *