8 pulis na umaresto sa suspek sa road rage sa Antipolo ginawaran ng Medalya ng Kagalingan

Ginawaran “Medalya ng Kagalingan” ang walong tauhan ng Antipolo City Police na agarang umaresto sa suspect ng pamamaril sa road rage incident na naganap noong Linggo, Marso 30, sa Barangay San Jose, Antipolo City.
Pinangunahan ni PNP Chief PGEN Rommel Marbil ang paggawad ng parangal sa kaniyang pagbisita sa Antipolo Component City Police Station.
Kabilang sa ginawaran ng “Medalya ng Kagalingan” ang sumusunod na mga pulis:
– PLT Orlando Jalmasco
– PCMS Rannel Cruz
– PCpl Kaveen-John Vea
– PCpl Joeban Abendaño
– PCpl Niño Chavez
– Patrolman Reylan de Chavez
– Patrolman Michael Keith Panganiban
– Patrolman John Mark Manahan
Dumalo din sa aktibidad sina Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas – Regional Director Police Regional Office 4A; Police Colonel Felipe Maraggun – Provincial Director Rizal PPO at Police Lieutenant Colonel Ryan L Manongdo – Chief of Police Antipolo CCPS.
Sa kaniyang mensahe, pinuri ni Marbil ng naging maayos na pag-aresto sa suspek at matagumpay na pagresolba sa insidente.
Sinabi ni Marbil na salamin ito ng walang kapagurang serbisyo ng kapulisan para sa publiko at para panatilihin ang kapayapaan at kaayusan para sa bayan. (DDC)