DA nagpatupad ng temporary ban sa pag-aangkat ng baboy, baka at water buffaloes mula South Korea at Hungary

DA nagpatupad ng temporary ban sa pag-aangkat ng baboy, baka at water buffaloes mula South Korea at Hungary

Nagpatupad ng temporary ban ang Department of Agriculture (DA) sa pag-aangkat ng live swine, bovines, at water buffaloes mula sa South Korea t Hungary dahil sa kaso ng Foot-and-Mouth Disease (FMD).

Kabilang sa ipinagbabawal na angkatin ang semen, skeletal muscle meat, casing, tallow, hooves, at horns.

Ang FMD ay labis na nakakagawa at nakaaapekto sa mga livestock.

Kabilang sa mga hayop na maaaring maapektuhan nito ay ang mga baka, baboy, kambing at iba pa.

Sa inilabas na memorandum orders ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., ang ban ay bunsod ng napaulat na FMD cases na nakaapekto sa domestic buffaloes sa Hungary noong March 7 at domestic cattle sa South Korea noong March 18.

Sa ilalim ng pag-iral ng ban, hindi maaaring magpasok sa bansa ng nasabing mga produkto na galing sa South Korea at Hungary. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *