Local People’s Campaign Kick-Off Rally ng Lingap Agad sa Infanta, Quezon dinagsa

Local People’s Campaign Kick-Off Rally ng Lingap Agad sa Infanta, Quezon dinagsa

Dinagsa ng napakaraming tagasuporta ang People’s Rally na ginanap sa Quezon Convention Center na pinangunahan ni Infanta Acting Mayor Lord Arnel ‘L.A’ Ruanto na tatakbong Mayor kasama ang kanyang running mate aspirante pagka bise-alkalde na si Konsehal Mannie America ganun din ang mga tatakbong Konsehal ng Bayan na sina Jun-Jun Mortiz, Sherwin Avellano, Tao-Yu, Kirk Gurango, Tim Juntereal, Laiza Ramos, Owie Cuento, Jun Escueta at ang aspirante pagka Bokal ng unang distrito ng Quezon na si Retired General Atty. Ringo Sarona na inihayag din nito ang kanyang mga hangarin upang makatulong sa pamahalaang panlalawigan na ginanap nitong araw ng biyernes, Marso 28.

Nag-umpisa ang naturang aktibidad sa pananalangin na nagsimba sila bago isinagawa ang Motorcade na binagtas nito ang kahabaan ng Famy-Infanta Road at ganun din sa bahagi ng Magsaysay hanggang Langgas, Anibong patungong Dinahican pabalik ng Bayan hanggang Northern Quezon Convention Center at nagtipon-tipon ang mga taga suporta upang marinig ang mga inilatag nitong plata porma de gobyerno ng nasabing grupo.

Kasama sa mga inilatag ni Aspirant Mayor L.A. RUANTO ang meaning ng LINGAP;
L – Livelihood & Education
I – Infrastructure Development
N – Nature, Cleanliness, Health & Wellness
G – Good Governance, Accountable & Transparency
A – Agriculture & Fisheries
P – Peace & Security

Ayon kay Ruanto, itatama nito ang mga polisiya o kapamaraanan sa distribution ng AICS na ang mga makikinabang ay ang mga benepisyaryong karapat dapat na mga less fortunate o mga higit na nangangailangan.

Hangad ng Team Lingap Agad na baguhin ang mukha ng Infanta na lalo pang mapapaunlad ang kanilang bayan na maiayos ang lahat para sa Bonggang Infanta.

Isa-isa ring ibinida ni Ruanto ang mga kakayahan ng kanyang kandidatong Vice Mayor na hindi natitinag sa paninindigan upang labanan o pigilan ang Kaliwa Dam ganun din ang pagpupursige na mabuksan ang LTO Infanta na mapa hanggang sa ngayon ay hindi pa napapakinabangan ang mga pasilidad nito at ang mga magiging Konsehal at magbabalik na mga Konsehal na tiyak magiging panalo ang mga Infantahin dito.

Kapansin-pansin din na naglevel-up na rin ang kanilang karaoke serye noon na ngayon ay meron ng malaking LED na nakakabit sa sasakyan kaya’t tiyak mag-eenjoy ang kanilang mga kababayan nito.

Dumalo at nakinig ang mga Kapitan, mga dating Kapitan ng ibat-ibang Barangay ng kanilang bayan, mga volunteers, iba’t-ibang sektor at mga nagmamahal sa Team Lingap Agad sa mga Inilahad nitong mga programa o plata porma de gobyerno na mas lalo pang titingkad ang direction ng kanilang bayan.

Bago natapos ang programa ay nagsagawa sila ng madamdaming Hawak Kamay at Kapit Bisig na simbolo ng kanilang tagumpay na sama-sama silang maglalakbay para sa isang magandang layunin para sa Bayan ng Infanta. (JR Narit)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *