2 Thai nationals arestado matapos mahulihan ng baril at electronic equipment sa Muntinlupa

2 Thai nationals arestado matapos mahulihan ng baril at electronic equipment sa Muntinlupa

Naaresto ng mga operatiba ng Southern Police District (SPD) ang dalawang Thai nationals matapos mahulihan ng mga baril, bala at ilang electronic equipment na ginagamit sa pag-eespiya sa isinagawang operasyon sa Muntinlupa City.

Nag-ugat ang operasyon dahil sa impormasyon mula sa isang concern driver na inarkila ng mga suspek para magmaneho sa Metro Manila.

Ayon sa SPD isinagawa ang operasyon, sa kahabaan ng Biazon Road sa Barangay Poblacion, Muntinlupa City, na nagresulta sa pagkaaresto nina alyas ​​”Sorawit”, 32-anyos at alyas “Nakorn”, 38-anyos, parehong Thai nationals, at nakatira sa Bacoor, Cavite.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawang kalibre 45 baril, dalawang magazine, labing -anim na mga bala, drone at granada na natagpuan sa ilalim ng upuan ng pasahero.

Narecover din ng mga operatiba ang tatlong cellphone, assorted identification documents, Thailand passport, at black Mitsubishi Expander (DBN 6094) na umanoy ginagamit bilang operational vehicle.

Isasailalim sa forensic examination ang mga narekober na ebidensiya o items upang matukoy kung itoy ginagamit sa espionage at iba pang mga paglabag sa intelligence gathering activities.

Pinuri naman ni SPD District Director Bgen Manuel J. Abrugena, ang mabilis na pagtugon ng mga pulis at maaresto ang mga dayuhang suspek.

“This operation is a testament to the power of community vigilance and the dedication of our operatives. Thanks to the swift and strategic response of our intelligence team, we were able to neutralize a potential threat that could have had wider implications for public safety—especially with the upcoming elections,” sabi ng SPD chief.

Nagsasagawa ngayon ang SPD ng mas malalim na imbestigasyon sa backgrounds at affiliations ng mga suspek sa koordinasyon ng national at international intelligence agencies upang alamin ang posibilidad kung sangkot ang mga ito sa mas malawak na ilegal na aktibidad.Bahagi ito ng pulisya sa pagtataguyod ng kapayapaan, kaayusan at tiwala ng publiko. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *