Kaso ng tigdas sa QC umakyat na sa 125

Umakyat a sa 125 ang naitalang kaso ng tigdas sa Quezon City.
Ayon sa datos ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division, ang nasabing datos ay naitala mula Jan. 1 hanggang Mar. 27, 2025.
Ang pinakaapektado ng sakit ay mga batang sampung taong gulang pababa.
Upang maiwasan ang sakit na ito, ipinayo ng QC LGU na sundin ang sumusunod na hakbang:
- Siguraduhing kumpleto ang bakuna laban sa tigdas (MR o MMR vaccine)
- Kumain ng masustansyang pagkain tulad ng prutas at gulay na mayaman sa vitamin A at C.
- Huwag lumapit sa may tigdas o may sintomas nito tulad ng lagnat, ubo, sipon, at pantal sa balat.
- Takpan ang bibig at ilong kapag umuubo o bumabahing upang hindi makahawa o mahawaan.
- Palaging maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig upang maiwasan ang pagkalat ng virus
- I-disinfect ang mga gamit gaya ng ibabaw ng mesa, doorknobs, at iba pang madalas hawakan.
- Kung may lagnat na tumatagal ng mahigit tatlong araw, mayroong pantal sa katawan, ubo, at sipon, agad na kumonsulta sa doktor.
- Huwag mag-self-medicate; sundin ang payo ng doktor para sa tamang gamutan. (DDC)